Habang nasa Siesta at naghihintay ng swerte sa masasakyang Bus. (Photo Credits: JC De Leon) |
Bago pa maubos ang pasensya naming dalawa ay nag decide na din kaming mag tungo sa Siesta (Termina) para subukin ang aming swerte. Pero pagdating namin doon ay mas nakaka badtrip ang eksena, ang dami ding chance passengers na hindi pa nakaka byahe. Napaisip na lang ako na "Lord, ayaw mo ba talaga masaksihan ko ang Una kong Panagbenga?". Buti na lamang at medyo buhay ang ulo ni JC hehehe, nakipag deal siya sa isa sa mga konduktor ng Victory Liner (seriously, hanggang ngayon di ko pa din alam ang ginawa nyang pambobola dun) and the rest was history. Eto na nga ung post ko for Panagbenga 2012 kaya it means na nakarating kami kahit na nahilo ako sa byahe dahil sa aisle lang kami nakaupo with our new found friends na puro foreigners hehehe.
My first picture with a Panagbenga Dancer! Ang COOL! |
Pagdating namin sa City of Pines ay tumuloy kami sa bahay ng isang kaibigan. Nag painit muna kasama ang timpla ni Master Blender dyaran!!! Emperador Light. At sa kwentuhang yun namin nalaman ang mga mahahalagang trivia tungkol sa Flower Festival. Na ang literal na translation ng salitang Panagbenga ay Pamumukadkad or Blooming sa salitang ingles. Na ang Panagbenga theme song ay likha ni Macario Fronda na isang propesor sa St. Louie University. Na ang nagpasimula ng taunang kapistahan na ito ay hindi ang City Government kundi ang John Hay Management Corporation at kung ano-ano pang mga weird na kwento ng Baguio at Cordillera.
Una sa aming itinerary ang panonood ng Street Dancing, pero dahil playing safe kami ay sa Athletic Bowl na kami dumiretso instead of watching the parade sa session dahil baka makasaksi kami ng Prusisyon ng Poong Nazareno the North Edition. Kaya nagtatakbo na kami sa lugar kung saan lahat ay hihimpil (oopss medyo malalim un). Nasilayan namin lahat ang mga kalahok dahil nagkunwari kaming Media People at nag cocover ng event (para-paraan lang yan) kaya natupad ang isa sa nasa bucket list ko at un ang makapag pa picture sa isang Panagbenga Dancer.
One of the participants in the Street Dancing Competition. |
Ang ika-lawang araw ng selebrasyon ay parang isang bangungot hahaha PEOPLE EVERYWHERE! Nag aapura na nga kaming nagtungo sa terminal para makapag pa reserve ng aming sasakyan pauwi, kasi nga kung mahirap ang byahe papunta, mas mahirap pag pauwi dahil naipong masyado ang tao sa itaas. Pero habang kami ay naghihintay nasa Harrison na pala ang linya ng float parade at na tyempuhan na pa namin na ang nasa tapat namin ay ang float ng ABS - CBN, sakay ang mga cast ng Showtime.
ABS - CBN Float with Vice Ganda, Kuya Kim and Jhong Hilario |
At sa sobrang dami nga ng tao ay madami din ang naging kaso ng naipit at hinimatay sa kawalan ng hangin. Kasama na siya sa tradisyon ngunit very good ang City Government ng Baguio dahil medyo nabawasan ang datos kumpara noong nakaraang taon.
Hindi man naging smooth ang biyahe ko ngayon sa Baguio ay maituturing ko itong kakaiba sa mga nakaraan. Halos di ko na mabilang kung ilang beses na ako napunta sa Summer Capital pero ngayon ko lang na experience ang Panagbenga Fever! Ngayon ko lang nasilayang hindi mahulugang karayom ang Harrison road at iba pang sikat na kalye ng lungsod. Ngayon ko lang nakitang makulay ang Athletic Bowl at isa pa ngayon ko lang nakitang walang gaanong tao sa SM Baguio. DJGonzales
IKAW na ang humusga sa larawan! |
Hindi man naging smooth ang biyahe ko ngayon sa Baguio ay maituturing ko itong kakaiba sa mga nakaraan. Halos di ko na mabilang kung ilang beses na ako napunta sa Summer Capital pero ngayon ko lang na experience ang Panagbenga Fever! Ngayon ko lang nasilayang hindi mahulugang karayom ang Harrison road at iba pang sikat na kalye ng lungsod. Ngayon ko lang nakitang makulay ang Athletic Bowl at isa pa ngayon ko lang nakitang walang gaanong tao sa SM Baguio. DJGonzales