Saturday, February 25, 2012

Mason ba si Daniel Hudson Burnham?

Makikita ang Ulo ni Burnham katapat ng Ulo ni
Rizal sa gawi ng Baguio City Hall.
Mason ba si Burnham? yan ang tanong na tumakbo sa isipan ko habang pinag mamasdan ko ang kakaibang Urban Planning ng lungsod. Buhat na din sa impormasyon ng isang kaibigan, may mga pagkakatulad ang mga disenyo ni G. Burnham sa mga elemento at hitsurang nais niyang lumitaw. 


Gaya na lamang ng Baguio...


City Hall - nasa itaas ng isang burol (hill) para maipakita ang impresyon ng seat of power. At isa pa mas madaling makita ang mga kalaban paibaba kesa paitaas. 


Burnham Park - nasa ibaba ng City Hall at tumatayong sentrong rotunda ng lahat ng kalye at kalsada sa buong lungsod, kung saan magtatagpo-tagpo ang lahat ng daanan sa pa ekis at krus na hitsura na sumasanga sa iba pang kalye. 


Man-made Lagoon - para maipakita ang orihinal na hollistic design ni Burnham. Ginawa ang lagoon para magsilbing source of water kung may kakulangan noong unang panahon.


Ang mga nabanggit ay may pagkakatulad sa mga lungsod na idinesenyo din ni Arch. Daniel Hudson Burnham. Gaya na lamang ng bayan ng Bontoc (ang sentro ng Mountain Province), ang lungsod ng Maynila (Ang Manila City Hall, Rizal Park, at ang malaking Lagoon sa Luneta) at ang Lungsod ng Bacolod sa Negros Oriental.

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...