![]() |
Batac Empanada. Ilocandia's Best! |
I'm back! Yan ang isinigaw ko sa isipan ko ng malanghap muli ang hangin sa Ilocandia. I'm with my students for a 3-day "Outing" and Region 1 familiarization escapade (sosyal ng term, ayaw kasi naming ipatawag na tour) hahaha. Initial stop namin ang Ferdinand E. Marcos Presidential Center, kung saan makikita ang grandiosong museum ng pamilya, ang ancestral house ng mga Marcoses at of course hindi pwedeng kalimutan ang kontrobersyal niyang Wax Mausoleum.
Matapos ang sandamakmak na Kodakan ay kumain kami ng sa isa sa mga pinaka masarap na Empadana sa buong sulok ng Ilocandia ~ Batac Empanada. Nakita ko din ang isa sa mga unang naitayong simbahan sa hilaga ang Batac Church na noong 1587 pa lamang ay naging tahanan na ng mga mananampalataya ng Kristyanismo. Pinagmasdan ko din syempre ang simpleng bahay dalanginan ng mga Independent Church of the Philippines (mas kilalang Aglipayan Church) na sinimulan ng isang ilokanong si Rev. Gregorio Aglipay.
![]() |
Museo Ilocos Norte is the repository of Ilocandia's Relics and Treasured Past. |
After lunch we visited Museo Ilocos Norte. Kahit pabalik-balik na ako sa Ilocos Norte ay ngayon pa lang ako napasok sa museo na ito. Para sa akin ay isang malaking Leap ang pag mimintina ng ganitong klaseng pampublikong museo. Para bang inaalagaan mo ang nakalipas para makita at maranasan pa ng mga susunod na henerasyon. (pwedeng pa comment...Okei na sana eh, hahaha kaya lang sobrang INIT! as in HOT!!!).
Syempre hindi dapat makaligtaan ang pagsulyap sa isa (o siya na talagang) sa pinaka matandang Parola (Lighthouse) sa buong Pilipinas ang Cape Bojeador sa bayan ng Burgos. Nakaka amaze talaga ang tanawin, makikita mo kasi ang kabuuan ng nakapaikot na dagat sa karatig bayan ng Pagudpud. Noong una akong napunta dito ay nakaakyat pa ako sa ituktok ng parola, ngunit malas na lamang ng iba dahil sa ngayon ay naka sarado at protektado na ito ng gobyerno para ma-preserve pa at ng ma-enjoy pa ng mga taong nagbabalak sulyapan ang mala-old school na landscape sa paligid ng parola (Ung tipong magka holding hands kayo habang pinag mamasdan ang kabuuan ng landscape ng Ilocos Norte cheessy!)
![]() |
The Oldest Lighthouse in the North (if not in the whole country) |
Syempre hindi dapat makaligtaan ang pagsulyap sa isa (o siya na talagang) sa pinaka matandang Parola (Lighthouse) sa buong Pilipinas ang Cape Bojeador sa bayan ng Burgos. Nakaka amaze talaga ang tanawin, makikita mo kasi ang kabuuan ng nakapaikot na dagat sa karatig bayan ng Pagudpud. Noong una akong napunta dito ay nakaakyat pa ako sa ituktok ng parola, ngunit malas na lamang ng iba dahil sa ngayon ay naka sarado at protektado na ito ng gobyerno para ma-preserve pa at ng ma-enjoy pa ng mga taong nagbabalak sulyapan ang mala-old school na landscape sa paligid ng parola (Ung tipong magka holding hands kayo habang pinag mamasdan ang kabuuan ng landscape ng Ilocos Norte cheessy!)
![]() |
The Majestic Array of Windmills in Bangui |
"Sir totoo nga po, umiikot nga po siya." Natawa ako sa statement ng estudyante ko nung papalapit na kami sa Windmills sa bayan ng Bangui. Nakaka touch din dahil nag pasalamat siya sa akin, "Sir, thank you po kasi isinama nyo ako, sa TV ko lang kasi nakikita yan eh". Hindi ko lang maamin sa kanya na nung una kong makita ang mga nag lalakihang electric fan na ito ay mas Exaggerated pa nga ang naging reaksyon ko. Ang isa pang nakaka tawang kwento ay...Nadaya ako ng mga batang tindero ng souvenirs hahaha. Sa sobrang kagustuhan kong makakuha ng mura ay kung saan saan pa ako nagpunta, hanggang sa bentahan ko ng 14pcs for 100 nung dalawang batang hindi mo pag iisipan ng masama. Laking gulat ko nung sa may gilid ng Van namin na naka park na Php 5.00 each lang pala un. Haist, napakamot na lang ako sa ulo ko at inisip na "Hayaan na lang ng may pambaon sa skwela ang mga bata" pero hindi ko pa din matanggap hanggang ngayon hahaha.
![]() |
Ang bumulaga sa amin matapos ang 14 hours na land travel! |
Sa wakas!!! yaan na lamang ang naisigaw ko sa aking isipan ng mapagmasdan ang nag huhumiyaw na arko ng bayan ng Pagudpud. Mahigit kumulang kasi labing - apat (14) na oras kasama na ang mga stop over at iba pang hibernation sa byahe naming tinahak ang aming final destination para sa unang araw ng aming Ilocandia Adventure. Dahil masyado ng napagod ang iba pa naming kasama ay napag desisyunan na mag check-in muna para makapag pahinga at ilan na lamang sa amin ang tutungo sa public market para sa aming ihahandang hapunan. Siyanga pala special mention sa Polaris Beach Resort (ayan ha libreng publicity na yan!) super nag enjoy kami sa mababait na staff at salamat sa pagpapahiram sa amin ng libre ng inyong kitchen (as in buong kitchen talaga!) para sa pag prepare ng aming hapunan at kung ano-ano pa (kasama na ang pulutan).
At dito nag tatapos ang kwento ng aming Day 1. Hindi man sapat ang mga salitang aking tinipa sa keyboard para maisalarawan ang aming naging karanasan, meron pa namang mga susunod na posts baka dun sakto na! hehehe. DJGonzales
wow! It's more fun in the Philippines talaga! :D
ReplyDelete